Mahal naming ACredit app users!
Maraming salamat sa pagpili sa Alalay sa Kaunlaran Microfinance Social Development, Inc. o mas kilala sa tawag na ASKI upang ikaw ay pagsilbihan.
Bago mo ipagpatuloy ang pagregister sa ACredit app, maaari lamang na unawain ang terms and condition na nakapaloob sa kasunduan na ito dahil ang pagregister sa ACredit app ay nangangahulugan na ikaw ay sumasang-ayon sa lahat ng nakasaad sa kasunduan na ito.
Last Updated: 05/05/2025
Layunin ng kasunduan na ito na maipaalam at lubos na maunawaan ng ACredit application users ang mga alituntuning nakapaloob sa pagsapi at pagkuha ng mga programa at serbisyo sa ASKI.
I. EligibilityIkaw ay maaaring mag apply ng loan gamit ang ACredit app kung iyong taglay ang lahat ng mga sumusunod:
Sa paggamit ng ACredit application, ikaw ay nagbibigay pahintulot sa Alalay sa Kaunlaran Microfinance Social Development, Inc. (ASKI) na kolektahin, gamitin at iproseso ang iyong mga personal na impormasyon na irerequire ng ACredit app. at sa iba pang forms na may kaugnayan sa pagiging kliyente o miyembro sa ASKI.
III. How we use your informationAng iyong personal na impormasyon ay gagamitin sa mga sumusunod na layunin, alinsunod sa Data Privacy Act ng 2012.
Bilang miyembro ng ASKI, ikaw ay may karapatan na:
Upang maproteksyonan ang iyong personal na impormasyon, sinisiguro ng ASKI ang mga sumusunod:
Bagamat ang ASKI ay gumagawa ng hakbang upang siguraduhin ang seguridad ng iyong personal na impormasyon, ang bawat ACredit app users ay inaasahan din na maging responsable sa pagpapanatili ng kaligtasan ng sariling personal na impormasyon gaya ng pagsunod sa mga alituntunin na ito:
Ang alinmang financial loss or damage dahil sa hindi pagsunod sa mga alituntunin ay hindi pananagutan ng ASKI.
VI. Sharing your informationAng iyong personal na impormasyon ay aming ibinabahagi ng ASKI sa mga partners, affiliates, business units ng ASKI na may kasiguraduhan na ang iyong personal na impormasyon ay pangangalagaan at hindi ibebenta sa ibang kumpanya.
Bilang pagsunod sa batas tulad ng RA no. 9160 “Anti-money Laundering Act of 2001” at iba pang kawani ng gobyerno tulad ng Securities and Exchange Commission at Bureau of Internal Revenue kami ay may mandato na ibahagi ang iyong personal na impormasyon.
Gayundin, alinsunod sa Republic Act No. 9510, o ang Credit Information System Act, at ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito, na nagbigay daan sa pagkakatatag ng Credit Information Corporation (CIC), nais naming ipagbigay alam na mandato kaming isumite ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa iyong pagkakautang, gaya ng pagkakahulugan nito sa ilalim ng nasabing batas at IRR nito, gayundin ang anumang pagbabago o pagwawasto sa nasabing impormasyon, sa CIC para sa konsolidasyon at paghahayag nito nang naayon sa pagpapahintulot ng CIC.
Kung gayon, ang mga pangunahing impormasyon hinggil sa inyong pagkakautang ay maaaring ipamahagi sa ibang nagpapautang na may pahintulot ng CIC at iba pang ahensya na may mandato at akreditasyon mula sa CIC na magsumite ng mga impormasyon hinggil sa mga pagkakautang para sa layuning matasa ang iyong kakayahang mangutang.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Alalay sa Kaunlaran Microfinance Social Development, Inc. (ASKI) o bisitahin ang aming website www.aski.com.ph.
VII. Personal Data retentionAng iyong personal na impormasyon ay mananatili sa ASKI sa loob ng sampung taon (10 years) mula sa termination ng iyong serbisyo sa ASKI, maliban na lamang kung may mandato ang batas na i-retain ito pagkatapos ng nasabing taon.
VIII. Use of CookiesAng ACredit app ay gumagamit ng cookies upang ikaw ay maka -access sa ACredit app. Pakatandaan, kung idi-disable mo ang lahat ng aming cookies sa setting ng iyong browser, maaaring hindi gumana ang ilan sa mga feature ng ACredit app.
IX. Changes of Terms and ConditionsMaaaring i-update ng ASKI ang terms and conditions na ito para sa ikabubuti ng ASKI at users nito.
X. ACredit app user’s acknowledgementSa pamamagitan ng aking pagreregister sa ACredit app, aking pinatutunayan na ako ay sumasang-ayon sa lahat ng nakasaad sa kasunduan na ito at ang anumang katanungan patungkol sa pangangalaga ng ASKI sa aking personal na impormasyon ay aking malinaw na naintindihan.
"“Aking ring kinikilala at pinapahintulutan ang mga sumusunod:
(1) ang madalas na pagsusumite at paghahayag ng mga pangunahing impormasyon hinggil sa aking pagkakautang (gaya ng pagkakahulugan nito sa ilalim ng Republic Act No. 9510, o ang Credit Information System Act, at ang Implementing Rules and Regulations nito) sa Credit Information Corporation (CIC), gayundin ang anumang pagbabago o pagwawasto sa nasabing impormasyon; at
(2) ang pamamahagi ng mga pangunahing impormasyon hinggil sa aking pagkakautang sa ibang nagpapautang, nang naayon sa pahintulot na ibinigay ng CIC at iba pang ahensyang may mandato at akreditasyon mula sa CIC na magsumite ng mga impormasyon hinggil sa mga pagkakautang; at para sa natatanging layuning matasa ang aking kakayahang mangutang.”
Ako ay malayang makipag-ugnayan sa ASKI sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa dpo.aski@gmail.com o tumawag sa 0932-845-1897; 0945-453-1249 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.